BONG REVILLA LALAYA NA MATAPOS MAGPYANSA NG P180,000

(Ni NELSON S. BADILLA)

Inaasahang makalalaya si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. makaraang magpyansa ito ng halos P180,000 para sa 16 na kasong katiwalian.

Nagpyansa agad si Revilla matapos siyang pawalang sala ng Special Division ng First Division ng Sandiganbayan sa nasabing 16 na kaso.

Ang pyansiya ay siyang huling bahagi ng prosesong itakda ng Rules of Court of makalaya ang taong naabsuweltong sa kaso.

Dahil dito, masiyang-masaya si Revilla, ang kanyang may-bahay na si Bacoor Mayor Lani Mercado at mga anak.

Sa kabilang banda, napakalungkot nina Janet Lim-Napoles at Richard Cambre (dating chief of staff ni Revilla), sapagkat napatunayan ng parehong dibisyon ng Sandiganbayan na sila ay nagkasala sa batas.

 

8

Related posts

Leave a Comment