BOTOHAN NG MAMBABATAS MAAAYOS; ILAN BINULAGA NG ABERYA

bong12

(NI ABBY MENDOZA)

 

KUNG si dating vice president Jejomar Binay ay inabot ng mahigit dalawang oras bago naging successful ang pagboto, wala namang naging aberya sa naging pagboto ng ilang mambabatas sa pangunguna ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Si Ginang Arroyo –nagdesisyon na magretiro na sa pulitika at pagkaabalahan na lang ang paggawa ng libro ay papalitan ng kanyang anak na si Mikey Arroyo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng  Pampanga,  — ay bumoto sa Lubao Central Elementary School alas-10:30 ng umaga.

Alas 8:00 ng umaga naman ng bumoto sa si Ilocos Norte Rep. Imelda Romualdez Marcos kasama nag kanyang apo na si Matthew Manotoc sa Mariano Marcos Memorial Elementary School sa Barangay,

Lacub, Batac City.

Si Manotoc na isang gubernatorial candidate ay anak ni outgoing Ilocos Norte

Gov at senatorial candidate Imee Marcos. Si Manotoc ay tumatakbong sa gubernatorial race nang walang kalaban.

Naging smooth sailing din ang pagboto ni Kabayan Partylist Rep Ron Salo na bumoto alas 7:40 ng umaga sa Muntinlupa National High School  gayundin si Quezon City Rep Kit Belmonte na bumoto sa Pasong Tamo.

Una nang inireklamo ni Binay sa Commission on Election(Comelec) ang hindi pagtanggap ng Vote Counting Machine(VCM) sa kanyang balota nang bumoto ito sa San Antonio National High School.

Nagtungo ito sa headquarters ng Comelec sa Philippine International Conference Center sa Pasay City upang ireklamo ang insidente, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang naging problema ay ang VCM na kanila agad na pinalitan.

Pinayagan naman ng Comelec si Binay na palitan ang kanyang balota at bumotong muli.

Naantala rin ang pagboto ni Senador Nancy Binay dahil sa naging depektibong VCM sa Makati City gayundin si Pasig councilor at mayoral candidate Vico Sotto na nagpasyang huwag munang bumoto hanggang nagkakaberya ang VCM sa kanyang presinto.

Inirereklamo ni Sotto ang hindi maayos na paggana ng 35 VCM sa Pasig City.

Si Senatorial candidate Grace Poe ay nakaranas din ng palpak na voter counting machine sa kanyang pagboto sa San Juan, kasama ang kanyang nanay na aktres na si Susan Roces.

133

Related posts

Leave a Comment