PARA sa kinabukasan ng bansa, pagkakataong bumoto ‘wag sayangin.
Ito ang panawagan nitong Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino, kasabay ng apela rin sa mga government personnel, pulis, at sundalo na manatiling neutral ngayong halalan.
Paalala ng Pangulo sa publiko, gamitin ang oportunidad at karapatang bumoto para matiyak ang tamang landas na tatahakin ng bansa para sa kinabukasan.
Umaga pa lamang, nang isa-isa nang bumoto ang ilang Gabinete ng Pangulo, kung saan bandang alas-6:30 ng umaga pa lamang ay bumoto na si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar sa Pedro E. Diaz High School sa Alabang, Muntinlupa City.
Hapon naman sa pagitan ng alas-3:00 hanggang alas-6:00 ng gabi boboto si Pangulong Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School.
Habang si dating Special Assistant to the President (SAP) at senatorial bet Bong Go ay bumoto bandang alas- 8:05 ng umaga sa Precinct 1658A Cluster N9. 1146 sa Buhangin Central Elementary School sa Davao City.
127