(NI ABBY MENDOZA)
PINASISIGURO ni House Assistant Majority Leader at Iloilo Rep Julienne Baronda na may sapat na pondo para sa pabahay sa mga mahihirap sa 2020.
Ang pangamba ni Baronda ay kasunod na rin ng patuloy na pagtaas ng informal settlers sa bansa, mula sa 1.5 Million noong 2011 ay naging 2.2 Million na nitong 2015.
Nabatid na noong 2011 ay umabot sa 5.7 milyon ang housing backlog hanggang 2016 kung saan kinakailangan na makapagtayo ng 2,602 na housing unit kada araw sa susunod na anim na taon para masolusyunan ang backlog.
Kinuwestyon ni Baronda kung bakit pababa ang trend ng budget for Housing and Community Amenities mula P11.61 Billion nung 2017, P7.5 billion sa 2018 at 5.5 billion sa 2019 ngayong malaki ang problema sa pabahay.
Sa budget hearing, tiniyak ni Budget acting Sec. Wendel Avisado na tinututukan ng pamahalaan ang housing projects.
168