SUSUNOD NA: BIR EXAMINERS LAGOT KAY PDU30 

bir18

(NI BETH JULIAN)

ISUSUNOD nang lilinisin ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa talamak na corruption ang Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon kay Duterte, may mga corrupt na examiners sa BIR na nakikipagsabwatan sa mga kompanya para mandaya sa  pagkwenta ng mga binabayaran nilang buwis.

Sinabi nito na dapat ay silipin ang gross income ng mga kompanya at hindi ang net income kung saan nakaltas na ang buwis.

Kasabay nito, muling nangako ang Pangulo na hindi sya hihinto hanggang sa mapuksa ang katiwalian sa bansa.

Babala ng Pangulo, kapag may nahuli at napatunayang sangkot sa iregularidad na ito ay agad niyang sisibakin sa tungkulin.

Matatandaan noong isang linggo ay nagpahayag na ng galit si Pangulong Duterte nang makarating sa kanya ang raket ng BIR examiners.

Sa sumbong sa Pangulo, hindi umano nakararating sa gobyerno ang kabuuang buwis na binabayaran ng mga negosyante o kompanya.

Sa description ng Pangulo sa raket ng mga taga-BIR, kunwari ay ia-assess ng examiner ang halaga ng buwis na dapat bayaran ng isang negosyante at magtatakda ng halaga pero bahagi lamang nito ang ireremit o pababayaran sa ahensya at ang natitira sa kabayarang halaga ay sa bulsa na umano ng examiner napupunta.

Dahl dito, nais ng Pangulo na magpatupad na lamang ng gross taxation  para matiyak na walang daya sa binabayarang buwis.

Sa kasalukuyan ay net taxation ang umiiral na sistema kaya madali anyang doktorin ng mga tiwaling BIR examiners.

127

Related posts

Leave a Comment