CARPIO, LEONEN TUMANGGI SA NOMINASYON BILANG SC CJ

sc44

(NI HARVEY PEREZ)

KAPWA tumanggi sina Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio at Court Associate Justice Marvic Leonen sa awtomatikong nominasyon sa Judicial Bar Council (JBC) bilang susunod na Supreme Court Chief Justice  kapalit ng magreretiro na si SC Chief Justice Lucas Bersamin.

Nabatid na si Bersamin ay nakatakdang magretiro sa Oktubre 18 pagsapit niya ng 70-anyos mandatory retirement.
Wala naman partikular na dahilan na sinabi si Leonen sa kanyang pagtanggi sa nominasyon.

Gayunman,sinabi niya na ang kanyang desisyon ay “the right thing to do for myself, this Court, and this country.”

Habang si Carpio naman ay tumanggi dahil malapit na rin naman umano siyang magretiro sa Oktubre 26, ilang araw na lamang pagkatapos na magretiro ni Bersamin.

Bukod sa dalawang Mahistrado, kasama rin sina Associate Justices Diosdado Peralta, Estela Perlas-Bernabe, at Alfredo Benjamin Caguioa sa may awtomatikong nominasyon sa JBC.

“There is no requirement to state our reasons for declining the nomination. For now, in my considered judgment, my decision is the right thing to do for myself, this Court and this country,” ayon pa kay Leonen.

Sa kabila nito, tiniyak niya ang kanyang suporta sa susunod na magiging Chief Justice.

Nabatid na itinakda ng JBC ang deadline kahapon para sa pagsusumite ng application, nomination, at acceptance para sa posisyon ng susunod na Chief Justice.

 

209

Related posts

Leave a Comment