(NI KEVIN COLLANTES)
MAGANDANG balita.
Sa susunod na linggo ay sisimulan na ang konstruksiyon ng pinakaaabangang Cavite extension project ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1). Sa inilabas na advisory ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na ang proyekto ay sisimulan na nilang isagawa sa Miyerkoles, Mayo 7.
“Magsisimula na ang actual construction ng LRT Line 1 Cavite Extension sa susunod na Martes, ika-7 ng Mayo 2019,” anunsiyo ng DOTr.
Ayon sa DOTr, pagdurugtungin ng naturang extension project ang Baclaran, Parañaque City at Bacoor, Cavite.
Nabatid na nakapaloob sa 11.7-kilometer railway extension project ang pagtatayo ng walong bagong istasyon ng tren. Sa sandaling matapos ang proyekto ay inaasahang magiging 25-minuto na lamang ang biyahe mula sa kasalukuyang isang oras at 10 minuto.
Target naman ng DOTr at ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa LRT-1 na matapos ang proyekto sa 4th Quarter ng 2021.
Sa kasalukuyan, ang LRT-1 ay bumibiyahe mula sa Roosevelt, Quezon City hanggang sa Baclaran at pabalik.
281