(NI BERNARD TAGUINOD)
WALANG plano ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na imbestigahan si House Speaker Alan Peter Cayetano hinggil sa mga aberya sa Southeast Asian (SEA) Games.
“Sa House kasi, unless we change Cayetano (bilang Speaker), you will always…siyempre speaker namin yan. Tutulungan namin yan di ba?,” pahayag ni Albay Rep. Joey Salceda,.
“I don’t think an investigation will prosper in the House. Of course we will try to save our king. We will support our Speaker,” dagdag pa ni Salceda, chairman ng House committee on ways and means.
Kung mayroon aniyang dapat mag-imbestiga ay ang Senado subalit hindi ang Kamara na pinamumunuan ni Cayetano maliban lamang kung papalitan ito bilang Speaker.
Tiwala si Salceda na kapag pormal na nagsimula na ang SEA Games ay mapapahiya umano ang kritiko ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na pinamumunuan ni Cayetano.
“There will be a tidal wave of reversal of public sentiment starting Nov. 30. This will be the best SEA Games hosted in the history. These games will make you proud. I’ve seen how hardworking Speaker Cayetano is. Those who are being negative about it will eat their own words,” ayon pa kay Salceda.
Nabuko ang aberya sa SEA Games na dumating ang mga football players mula sa ibang bansa kung saan natengga ang mga ito sa airport ng ilang oras, hindi agad nakapag-check-in sa hotel, pinag-almusal ng kikiam, nilagang itlog at kanin, walang halal food sa mga muslim players at iba pa na pawang isinisi sa Phisgoc.
“We should withhold judgement on our hosting of the SEA Games until after it is over,” ayon naman kay House Deputy Majority Leader Xavier Jesus Romualdo ng Camiguin.
188