(NI BETH JULIAN)
NABABAHALA ang Malacanang sa presensya ng Chinese warship sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na dapat ipag alala ng Pilipinas kapag may mga insidente ng panghihimasok o intrusion sa soberenya ng bansa.
Gayunpaman, ipinauubaya na ng Palasyo kay Foreign Affairs Scretary Teodoro Locsin Jr., ang pagtugon sa ginagawa ng China sa Scarborough Shoal.
Giit ni Panelo, dapat na talakayin sa bilateral consultation mechanism sa pagitan ng Manila at Beijing ang bagong citing ng Chinese warship at militia boat sa karagatan ng Pilipinas.
Una rito, sinabi ng PCG na dalawang coast guard ships at dalawang militia boat ang namataan sa 12 nautical miles ng Scarborough shoal.
189