‘CHINESE WORKERS BANTA SA MGA BAGONG GRADUATE’

grad23

(NI BERNARD TAGUINOD)

LALONG mawawalan ng pagkakataon ang mga bagong graduates ngayong taon na magkaroon ng trabaho dahil sa pagdagsa ng mga illegal Chinese workers sa Pilipinas.

Ito ang kinatatakutan ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago dahil noong 2018 aniya ay halos kalahati sa mga fresh graduates ang hindi nakahanap na trabaho kaya ang pagdagsa ng mga Chinese workers ay lalong magpapahirap sa mga magtatapos ngayong taon.

Hindi nagbigay ng eksaktong datos ang tanggapan ni Elago kung ilan ang magtatapos sa senior high school at kolehiyo noong 2018 subalit kung pagbabasehan aniya ang datos ng Philippines Statistic Administration (PSA) noong nakakaraang taon, 44.6% sa edad 15 anyos hanggang 24 anyos ay hindi nakanahanap ng trabaho noong nakaraang taon.

“Around 50% of fresh graduates become unemployed or have no permanent jobs. If they are fortunate, they become contractuals with floor low wages. The Filipino youth and workers are dragged down by the crises generated by greedy foreign capitalists and a sell-out government,” ani Elago.

Ang nasabing age bracket ay edad ng mga nagtapos sa senior high school at kolehiyo kaya kinakabahan ang mambabatas sa magiging kalagayan ng mga magtatapos ngayong taon dahil sa pagdagsa ng mga Chinese workers sa Pilipinas.

Kinastigo rin ng mambabatas ang gobyerno dahil ipinapalabas umano nito na choosy ang mga Filipino sa trabaho.

 

187

Related posts

Leave a Comment