(NI BETH JULIAN)
TINIYAK ng Malacanang na may mga gagawing hakbang ang gobyerno para maiwasan na tuluyang mauwi sa krisis ang nararanasang kakapusan sa supply ng tubig sa Metro Manila.
Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, hinihintay na lamang ang direktiba ni Pnagulong Rodrigo Duterte kaugnay sa problema.
Ayon kay Panelo, isa sa nakikitang solusyon ay ang cloud seeding para magkaroon ng artipisyal na pag ulan partikular sa bahagi ng mga dam na pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila.
Isa rin ay ang pagkakaroon ng mas malawak na information dessimination kaugnay sa oras na mawawalan ng suplay ng tubig at ang schedule ng pagra-rasyon sa mga apektadong lugar.
Base sa ulat, nasa kritikal na level na ang tubig sa La Mesa Dam saan naitala sa 68.93 meters na lamang ang lebel ng tubig dito kahapon ng alas-6:00 ng umaga at posible pang magtuluy- tuloy ang pagbaba ng tubig dahil sa kawalan ng pag ulan at pagkonsumo ng mga consumers g Manila Water dahil sa matinding init ng panahon.
Gayunman, pinawi rin ng Malacanang ang pangamba ng publiko dahil tiniyak na hindi naman masasaid ang tubig sa dam dahil nasusuportahan naman ito ng tubig mula Angat Dam.
148