COMELEC NAGDAGDAG NG PONDO SA ABSENTEE VOTERS

COMELEC12

(NI HARVEY PEREZ)

BINIGYAN ng karagdagang pondo ng Commission on Elections (Comelec) ang Overseas Absentee Voting (OAV) na gagamitin sa postal service ng mga balotang hindi pa naipadadala.

Ito ang kinumpirma ni Comelec Comm. Rowena Guanzon  kung saan aprub na sa Comele en banc ang paglalaan ng karagdagang pondo para sa OAV.

Una nang nagamit ng Ccomelec ang ibang bahagi ng pondo ng OAV pero hindi umano ito naging sapat dahil gumagastos din ng milyun-milyon ang poll body sa pagpapadala ng mga balota.

Kasabay nito,sinabi ni Guanzon na walang dapat ipangamba ang mga  rehistradong botante sa  abroad  dahil may 17 araw pa ang nalalabi para  maihabol ang mga boto ng mga Filipino na nasa abroad para sa national and local elections sa Mayo 13.

Sinabi ni Guanzon na  natagalan kasi ang pagpasa sa 2019 national budget kaya nagka-problema sa pondo ang  Comelec.

 

154

Related posts

Leave a Comment