COMELEC SA KAMARA: 2020 BRGY, SK ELECTIONS DESISYUNAN

comelec123

(NI HARVEY PEREZ)

IGINIIT ng  Commission on Elections (Comelec) sa Kongreso na madaliin ang  pagdedesisyon  sa  panukalang pagpapaliban ng 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Binanggit ni Comelec Chair Sheriff Abas, na patuloy ang isinasagawa nilang paghahanda sa BSKE habang wala pang desisyon ang mga mambabatas kung ipagpapaliban o hindi ang naturang halalan  para hindi sila kapusin ng panahon sa preparasyon sakaling matuloy ito.

Nalaman  na  lahat ng paghahanda, guidelines at procurement ay inaasikaso na ng Comelec.

Kaugnay nito, sinabi naman ni  Commissioner Luie tito Guia, dapat na magdesisyon na agad ang mga mambabatas, kung tuloy ba o hindi ang halalang Barangay at SK sa susunod na taon.

Ipinaliwanag  pa ni Guia na hindi madali ang paghahanda para sa eleksyon dahil gumagastos ang poll body ng bilyun-bilyong piso at nagtatrabaho ang daang-daang mga election worker.

Bukod pa sa kailangan rin nilang bumili ng mga papel, mga pen at iba pang election paraphernalia na gagamitin sa botohan.

Nabatid na  ipinanukala na gawin sa 2022 ang BSKE sa halip na sa 2020 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nakapagdedesisyon sa kahihinatnan nito ang mga mambabatas.

 

165

Related posts

Leave a Comment