CP SNATCHING VS. GEN. BATHAN

SEC AÑO-GEN BATHAN

IPINAG-UTOS ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa Philippine National Police  ang pagsisiyasat  sa mga napa-ulat na pang-aabuso ng mga pulis  noong traslacion ng Pooong Itim na Nazareno kabilang na ang  pang-aagaw ng cellphone ng isang heneral sa isang TV reporter.

Ang kautusan sa imbestigasyon ay ipinasa ni Año kay PNP Officer-In-Charge Lieutenant General Archie Gamboa dahil ang pangyayari ay kaugnay sa kauna-unahang pangangasiwa ng PNP sa isinagawang Translacion ng Black Nazarene.

Sinabi ni Año na nanghihinayang siya sa magandang resulta ng Traslacion na pinangasiwaan ng pulisya at simbahan kung saan nakapagtala ito ng kasaysayan kung mababahiran ng pagmamalabis sa panig ng mga pulis.

Naging mabilis ang usad ng karosa nitong Traslacion 2020 kumpara sa mga nagdaang Traslacion na umaabot sa mahigit 20 oras.

Gayunman, maraming reklamo ang mga deboto at nakiisa sa okasyon dahil may mga nasaktan dahil sa umano’y kalabisan ng mga pulis at sundalo.

Ipinasisilip din ni Año ang naging asal ni Police/Brigadier General Nolasco Bathan, director ng  Southern Police District,  sa pag-agaw nito ng cellphone ni GMA 7 Field reporter Rodolfo Jun Veneracion sa kasagsagan ng traslacion.

Naunang humingi ng paumanhin si Bathan at sinabing nagawa niya iyon dahil inakala niyang banda sa seguridad ng Traslacion ang ginawa ni Veneracion.

Iginiit ni Año na hindi magandang asal ang ginawa ng heneral lalo na kung sa pangkaraniwang mamamayan.

Inaantabayanan kung magsasampa ng kaso ang mamamahayag laban kay Bathan. (JESSE KABEL)

160

Related posts

Leave a Comment