CR NA FACULTY ROOM ‘DI NAG-IISA 

cr faculty12

(NI BERNARD TAGUINOD)

MATAPOS mag-viral ang post ng isang teacher sa Bacoor, Cavite na comfort room ng kanilang eskuwelahan ang ginagamit nilang faculty room dahil sa kakulangan ng silid-aralan, dumami pa ang post hinggil sa kaparehong situwasyon sa ibang public school.

Sa inilabas ng larawan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list na pinamumunuan nina Reps. France Castro at Antonio Tinio, hindi lamang sa Bacoor, National High School gumagamit ng comfort room ang mga faculty members dahil nangyayari din ito sa ibang eskuwelahan tulad ng Sergio Osmena High School sa Quezon City.

Ganito din umano ang sitwasyon sa Maligaya High School, Bagong Silangan Elementary School at Quirino High School sa Quezon City pa rin; Villamor High School at Calderon High School sa Manila.

Magugunita na nag-viral ang post sa social media ng gurong si  Maricel Herrera, faculty president sa  Bacoor National High School ukol sa paggamit ng mga ito sa comfort room ng paaralan dahil sa kakulangan ng pasilidad.

Ikinagalit ng school principal at maging ang Department of Education (DepEd) ang post ni Herrera kung saan pinagbantaang ito na iimbestigahan at posibleng mahaharap sa kasong administratibo..

Hindi ito pinalagpas ng nasabing grupo dahil ipinapakita lamang umano ni Herrera ang kanyang ‘concerned” sa kalagayan ng mga guro at mga mang-aaral sa mga public school dahil sa hindi maresolban problema sa kalulangan ng mga pasilidad sa mga eskuwelahan ng gobyerno.

Sariling gastos umano ng mga guro ang pagpapasaayos ng comfort room na ginawa nilang faculty room para lang mayroong lugar na mapupuwestuhan ang mga ito at kainain na rin sa breaktime.

Samantala, itinanggi ng nasabing grupo na hinamon ng mga ito si DepEd Secretary Leonor Briones at maging ang pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa situwasyon ng mga guro at mag-aaral na sinindihan ni Herrera.

“Asec. Alain Pascua is making up statements that ACT did not issue. For the record, ACT has not called for the resignation of DepEd Sec. Briones nor for the ouster of President Duterte. The call for Sec. Briones’ resignation is a sentiment that, per our social media monitoring, came from ordinary teachers who have seen the video of Sec. Briones saying it was teachers’ choice to use CRs as faculty rooms as it is ‘more dramatic and touching,” ayon kina Castro at Tinio.

 

152

Related posts

Leave a Comment