CUSTOMS  PINAGPAPALIWANAG SA MABABANG KOLEKSYON NG BUWIS

customs

(NI ABBY MENDOZA)

DISMAYADO si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa mababang koleksyon ng Bureau of Customs(BoC) sa nakalipas na 10 buwan na umabot lamang sa P535 bilyon kumpara sa target na P571 bilyon.

Ayon kay Salceda, dapat habulin ng BoC ang P35.7B na kulang sa revenue collection. Mayroon pa umano silang nalalabing isang buwan para makuha ang target na koleksyon. Partikular na pinatututukan ng mambabatas ang smuggling at ang pagbabantay sa mga excisable products o mga produktonbg binubuwisan pagpasok ng bansa.

Pinababantayan din ni Salceda ang Port of Manila na syang may pinakamaliit na nakolektang kita na nasa P21 bilyon na 25% na mababa sa kanilang target.

Samantala, pinagpapaliwanag din ni Salceda ang mga District Collectors ng BoC dahil sa collection shortfall.

Tinukoy nito ang Manila International Container Port na 13.1% na below target sa kanilang revenue gayundin ang Port of Batangas, Port of Cebu at Port of Davao.

Una nang nagpaliwanag ang BoC na ang kanilang mababang revenue collection ay dala ng mababang koleksyon sa langis na umabot lang ng P10 bilyon, gayundin ay naapektuhan ang kanilang koleksyon ng pagbaba ng palitan ng piso sa dolyar na noong 2018 ay nasa P55 kada dolyar ngunit nitong 2019 ay naging P52 at P50 na palitan.

Bumaba rin ang importasyon ng Langis, asukal at mga sasakyan kaya nagkaroon ng below target na revenue.

Maliban sa BoC, maging ang Bureau of Internal Revenue(BIR) ay pinagpapaliwanag din ng Kamara sa mababang koleksyon.

Ani Salceda, sa datos na isinumite ng BIR sa Kamara, lumilitaw na P104 bilyon ang kulang sa target ng BIR, nabatid na ang target na itinakda ng Development Budget Coordination Committee(DBCC) para sa BIR sa taong 2019 ay P2.32T subalit P1.7 trillion pa lamang ang nakokolekta nito.

Ikinatwiran ng BIR na P55 bilyon sa kanilang shortfall sa revenue ay dahil nag-iimport na ang mga oil companies ng oil products sa halip na refining crude oil na mas mataas ang taxes.

Sa December 9 ay nakatakda muling humarap sa komite ng Kamara ang BoC at BIR kaugnay sa kanilang revenue collection.

 

168

Related posts

Leave a Comment