DA HUMIRIT NG PRICE FREEZE KAY DUTERTE

TIWALA si Presidential spokesperson Harry Roque na gagawa ng tamang desisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inilatag na rekomendasyon ng Department of Agricuture (DA) na magpatupad ng P270 hanggang P300 na price freeze sa mga karne ng baboy sa merkado.

“Well, sa akin po that is a recommendation made for the president and I trust the president will make the right decision,” ayon kay Sec. Roque.

Para naman kay Trade and Industry Sec. Ramon Lopez, bahala na si Pangulong Duterte sa rekomendasyon na ito ng DA.

“We leave it to the President, there’s a recommendation made already by the Department of Agriculture,” ayon sa Kalihim.

Sa ulat, ang rekomendasyon ng DA kay Pang. Duterte kasunod na rin ng pagsirit ng presyo ng karneng baboy dahil sa African Swine Fever (ASF).

Sinabi ni DA spokesperson at assistant secretary Noel Reyes, naglaan na rin ang ahensya ng inisyal na P400 milyon para sa repopulation ng mga baboy sa mga lugar na nagkaroon ng outbreak ng ASF.

Samantala, maaaring i-realign ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pondo nito para ma-cover ang re-employment ng contact tracers (CTs).

Ito ang inihayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado bilang pagbibigay katiyakan matapos sabihin ng DILG noong Enero 16 na maaari lamang silang makapag-rehire ng 15,000 CTs sa ilalim ng six-month contract bunsod ng kagipitan sa pondo.

Ang DILG ay nakapag-hire lamang ng 50,000 contact tracers noong nakaraang taon.

“Modification lang po kailangan po n’yan, sandali lang po iyan. Hindi na po aakyat sa pangulo ‘iyan. Dito na lang sa level ko, na-approve ko na po iyan,” ayon kay Sec. Avisado sa Laging Handa briefing.

Sa ulat, muling tatanggap ang Department of the Interior and Local Government ng 15,000 pang contact tracers (CTs) para sa COVID-19 contact-tracing efforts. (CHRISTIAN DALE)

61

Related posts

Leave a Comment