DAGDAG-PASANIN NG MERALCO CONSUMERS

meraldo

(NI BERNARD TAGUINOD)

TATAAS ang singil ng Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga customers kapag tuluyang matapos ang  kanilang 1,200 megawatt na Atimonan Power Plant na magiging malaking pasanin sa mga naghihirap na  consumers.

Ito ang babala ng Makabayan bloc sa Kamara matapos aminin ng Meralco na lumobo sa P15 Billion ang nagagastos ng Atimonan One Energy Inc, sa itinatayong planta dahil sa interest expenses sa kanilang utang na ginagamit sa proyektong ito.

Ayon sa nasabing grupo, kapag nag-operate na ang Atimonan Power Plant na pag-aari ng Meralco ay magkakaroon ng dagdag na P1.80 sa bawat kilowatt hour ang sisingilin ng mga ito sa kanilang customers.

Dahil dito, magiging P7.46 bawat kilowatt hour ang idadagdag ng Meralco sa bill sa kanilang mga customers dahil ang orihinal na sisingilin lang sana ng power distributor na ito ay P5.66 per KwH para mabawi ang kanilang gastos sa pagpapatayo ng nasabing planta.

Dahil dito, magiging “world’s most expensive” ang Pilipinas sa power rates kung hindi kikilos ang Energy Regulation Commission (ERC) para pigilan ang Meralco na kumuha ng direktang supply sa Atimonan One Energy Inc.

103

Related posts

Leave a Comment