DAGDAG PUWERSA SA PROBINSIYA SUPORTADO NI LACSON.

(Ni NOEL ABUEL)

Walang nakikitang masama si Senador Panfilo Lacson sa desisyon ni Pangulong Ro-drigo Duterte na magpadala ng dagdag na puwersa sa  Region 6 at Bicol region.

Ayon kay Lacson, naayon sa 1987 Constitution na may karapatan ang pangulo ng bansa bilang commander-in-chief, na pakilusin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mapigilan ang anumang nangyayaring kaguluhan sa bansa.

“Kapag may nakita talagang dahilan, pwede siyang mag-susped ng writ of habeas corpus at pwede rin siyang magdeklara ng martial law,” pahayag ni Lacson sa interview ng himpilang dzBb.

Ipinagtataka naman  senador kung bakit nagpalabas pa ng Memorandum Order no.32 si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Bakit kailangan pa ang MO 32 kung hindi naman kailangan ‘yun.Baka naman meron itong papupuntahan na may mga lugar na may plano ‘yung Malacanang na kung hindi man ideklara ng martial law ay mag-suspend ng writ of habeas corpus,” dagdag pa ni Lacson.

Ngunit pinawi ng senador ang pangamba ng publiko kung sakaling isuspende ang writ of habeas corpus dahil ang sakop lamang nito ay ang may mga kaso ng rebelyon.

6

Related posts

Leave a Comment