(NI ROSE PULGAR)
NAKIKIPAG-UGNAYAN na ngayon ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pattaya authorities hinggil sa kalagayan ng tatlong Filipina na naaresto dahil sa ginagawang fund raising para lumikom ng pondo para sa charity children foundation.
Ayon kay Ambassador to Thailand Mary Jo B. Aragon, ang Philippine Embassy sa Bangkok ay nakikipag usap na sa mga pulis sa Pattaya upang maiayos ang pagbisita sa tatlong babae.
Idinagdag pa nito na palawigin ng embahada ang kinakailangang tulong para sa kanila at maayos ang kanilang kinakaharap na anumang kaso.
Pansamantalang hindi muna binanggit ang mga pangalang ng tatlong Pinay na inaresto.
Aniya ang mga kababaihan ay pinigil habang sila ay nangangalap ng pondo sa harap ng isang restaurant sa Phettrakul sa Bang Lamung District
Kung saan inamin ng tatlo na sila ang kumakatawan sa Children’s Joy Foundation.
Kaya’t ngayon ay tinututukan ng DFA ang pag-aresto sa tatlo.
297