INAALAM ngayon ng Department of Foriegn Affairs (DFA) ang napaulat na isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) ang umano’y nakahanay sa parusang bitay dahil sa kasong may kinalaman umano sa drug trafficking.
Ayon sa DFA patuloy na nakikipag ugnayan sila sa mga awroridad ng Malaysia upang alamin ang kasong kinakaharap ng Pinay na pansamantalang hindi muna pinangalanan.
Gayunman, sinabi ng DFA na sakaling may mga ebidensyang makapagpapatunay na sangkot ang nasabing Pinay sa drug trafficking ay kanila pa rin tutulungan ng gobyerno.
Ngunit hayaan gumulong ang batas na ipinatutupad sa Malaysia.
Magugunitang napaulat nitong nakalipas na araw ang tungkol sa isang Pinay ang naharang sa airport ng Malaysia dahil sa umano’y nahulihan ito ng iligal na droga .
Batay sa datos ng DFA, hindi bababa sa 84 na Pilipino ang nakahanay sa Death Row ng gobyerno ng Malaysia.
162