(NI BERNARD TAGUINOD)
DIREKTANG pambabatos na ng China sa Pilipinas ang pagpasok ng kanilang mga warship sa loob ng ating teritoryo sa Tawi-Tawi na walang paalam sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito ang pahayag ni House committee on national defense and security vice chairman Ruffy Biazon kaugnay ng 5 warship ng China na pumasok sa Sibutu Strait sa Tawi-Tawi noong Hulyo at Agosto.
“The Chinese Navy flaunting its balls in parts of the Philippines without permission. A Chinese spy ship named Tianwangxing (Uranus), equipped w/ huge radomes for electronic surveillance, was monitored sailing in PH waters with its AIS turned off. An affront to us, if I may say,” ani Biazon.
Hindi umano ito dapat hayaan at palagpasin na lamang ng Pilipinas ang pambabastos na ito ng China dahil nakataya umano ito ang pambansang seguridad ng bansa.
Base sa mga ulat, hindi itinuturing ng AFP na innocent passage ang ginawa ng China sa nasabing teritoryo na malayo na sa South China Sea dahil pakurba-kurba umano ang takbo ng mga ito.
“The Defense establishment has spoken. The actions of the Chinese Navy constitute a threat to Philippine security,” ayon pa kay Biazon kaya dapat aniyang gumawa na ng aksyon ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Malimit na naghahain ng diplomatic protest ang isang bansa kapag naagrabyado na ng ibang nasyon.
140