(NI NOEL ABUEL)
WALANG katotohanan ang mga intrigang kaya napaaga ang pagbabalik sa bansa ng delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay dahil sa hindi magandang pag-welcome sa kanya sa Japan.
Ito ang pagtatanggol ni Senador Bong Go sa maagang pagbabalik ng Pangulo sa bansa na kinukuwestiyon ng ilan.
Aniya, naging pantay ang pagtrato ng pamahalaan ng Japan sa mga world leaders na dumalo sa enthronement ni Emperor Naruhito.
Sa kabila nito, iginiit ni Go na hindi aniya paimportante si Pangulong Duterte kung saan mas gusto pa nga nitong nasa likod lang siya at hindi pinapansin.
Nilinaw din ni Go ang mga intrigang pang-ambassador lang ang puwestong ibinigay sa Pangulo dahil ang totoo aniya ay tanging mga world leaders at pamilya ng mga ito ang nakapasok sa loob ng seremonya.
Samantala, iginiit pa ni Go na labis ang pasasalamat ni Pangulong Duterte sa Japan dahil sa importansyang ipinaramdam sa kanya at sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.
157