(NI BETH JULIAN)
PINAWI ng Malacanang ang pangamba ng ilang grupo na baka malubog lamang sa utang ang Pilpinas sa China.
Sinasabing sangkaterbang utang ang pinasok ng gobyerno sa pamamagitan ng mga proyektong pang-imprastraktura.
Sinabi ni Finance Asisstant Secretary Tony Lambino na walang basehan ang sinasabing pain sa utang ng China dahil ang mga transaksyon ay sumailalim sa matinding pagbusisi ng gobyerno.
Ayon kay Lambino, nasa 0.66 percent lamang ang kabuuang debt exposure ng gobyerno sa China noong 2018 kumpara sa total debt exposure ng bansa sa Japan na tinatayang aabot sa 8.9 percent.
Dito ay nangnangahulugan na kung titingnan sa kabuuan ay mas malaki ang utang ng Pilipinas sa Japan kaysa sa China.
Ayon kay Lambino, ang utang ng gobyerno sa China ay pang 12 lamang sa mga bansang nagpapautang sa Pilipinas.
298