(Ni NOEL ABUEL)
NADISKUBRE ng mga senador sa kanilang pagbusisi sa mungkahing P3.757 trilyong badyet ng administrasyong Duterte para sa susunod na taon na walang nalalaman ang ilang kagawaran sa bilyun-bilyong isiningit na pork barrel.
Isa sa mga natukoy ng mga senador ay ang P16 bilyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang orihinal na pondo ay P7 bilyon para sa “other financial assistance to local government units” ng DILG.
Hindi raw ito alam ni DILG Secretary Eduardo Año.
Itinaas ito sa P16 bilyon, ngunit wala pa rin daw nalalaman si Año hinggil dito.
Sabi raw ng kalihim sa mga senador na hindi nagsagawa ng konsultasyon ang Department of Budget and Management (DBM) ukol sa ikinargang pork barrel.
Dahil sa ang anomalyang ito, nagkomentaryo si Senador Franklin Drilon na mayroon na siyang 20 taon na nagbubusisi ng panukalang badyet ng pambansa pamahalaan, ngunit ngayon lamang siya nakadiskubre na nagpasok ng badyet ang DBM nang hindi man lamang kinakausap ang mga opisyal ng kagawarang dinagdagan ng bilyun-bilyong pondo.
“This is something anomalous,” giit ni Drilon.
Hiniling ng senador na kalkalin pa ang iba pang “insertions” sa panukala ng badyet upang malaman kung mayroon kaparehong pangyayari.
123