DIMPLE STAR FRANCHISE KANSELADO NA

Matapos ang siyam na imbestigasyon at pag-aaral, nagpasya na ang Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) na tuluyan nang kaselahin ang buong prangkisa ng ng Dimple Star bus fleet.

Ginawa ito ng LTFRB makaraang mapatunayang maraming pagkakasalang nagawa ang Dimple Star laban sa mga mananakay.

Tampok dito ang vehicular accident na naganap noong March 20 sa Sablayan, Occidental Mindoro kung saan 19 ang namatay at 21 ang nasugatang mga pasahero.

Maliban diyan, nasangkot din ang Dimple Star sa walong aksidente na ikinamatay ng 25 katao at ikinasugat ng 134 iba pa.

Matatandaang nagalit si Pangulong Rodrigo Duterte sa aksidenteng naganap noong Marso 20 sa Occidental Mindoro.

18

Related posts

Leave a Comment