IS JILLIAN WARD READY FOR MATURE ROLE?

At thirteen, dalagita na si Jillian Ward.SCENES

Kaya, hindi na pambata ang mga papel niya ngayon, tulad ng papel niya sa My Special Tatay bilang si Odette Villaroman na isang kikay na teenager.

Handa naman daw si Jillian na iiwan na ang child-star roles para maging mas mature na bilang artista. “As long as work naman po,” sabi n’ya.

Unang papel niya bilang teenager ang ginagampanan niya sa My Special Tatay ng GMA.

“Ang edad ko nga po dito, parang sixteen po yata.” Kaya, aminado si Jillian na medyo nahihirapan siya sa bago niyang papel dahil nasanay nga siya na bata ang karakter niya sa TV o pelikula.

Ngayon lang din daw siya gaganap sa isang papel na maarte (o kikay). Dati kasi, panay simpleng bata ang karakter na ginagampanan niya. “Kaya iba po siya.”

Isa ring malaking pagbabago kay Jillian bilang artista ay ang mga damit na isinusuot niya sa harap ng kamera. “Nag-ii-skirt na po ako, tapos mga pang-Korean po yung suot ko.”

Hindi tulad dati na madalas siyang naka-shorts at t-shirt lang kapag may taping o shooting.

Bukod sa pag-arte, mahusay din na singer at biriterang Jillian, pero hindi naman siya nahihirapang pagsabayin ang pag-arte at pagkanta dahil hindi pa naman “full blast” ang karera niya bilang mang-aawit. “Gusto ko pong i-express yung sa art ko po sa singing pero ngayon po, usually ang nabibigay po sa aking projects, puro acting po.”

Sa mga mall show daw niya naipapakita sa publiko ang talento niya sa pagkanta.

May mga nagsasabi na si Jillian ang papalit sa trono ni Barbie Forteza bilang Tween Queen ng GMA, since dalaga na si Barbie ngayon at twenty one years old. “Thank you po. Talaga po? Well masaya po ako siyempre and grateful po ako kung matawag man po ako na ganyan,” reaksyon ng dalagita.

Pero kahit wala raw title na ibigay sa kanya ay okay lang raw kay Jillian. “Since talagang ibinibigay ko naman po ang best ko. Pero, masaya po ako na nabigyan po ako… na naiisip po nila na parang ganun po ako ngayon. Parang iba na po, hindi na po yung childstar.”

Dati nga ay child wonder pa ang titulo ni Jillian bilang batang aktres.

Ano na kaya ngayon na mature na role n’ya?

7

Related posts

Leave a Comment