(NI LILIBETH JULIAN)
MALAKING kasinungalingan!.
Ito ang naging tugon sa pagpalag ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa akusasyong inalok nito ng P40 bilyon halaga ang Kamara kapalit ng pananahimik kaugnay sa P75 bilyon budget insertion sa pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Diretsahan at matigas na inihayag ni Diokno na isang malaking kasinungalingan at walang basehang alegasyon ang nasabing isyu.
Itinuturing ni Diokno na ‘wild allegation’ ang nasabing paggigiit sa usapin.
Sa press briefing Biyernes ng hapon sa Malacanang, sinabi ni Cabinet Secretary Carlo Alexi Nograles na sa panig ng Palasyo, ay maituturing na isang malaki at mabigat na alegasyon ang inihaharap kay Diokno.
Pero kumpiyansa ang Palasyo na sasagutin ni Diokno ang nasabing alegasyon kahit saan man sa pinakamabilis na panahon.
Binigyan-diin ni Nograles na ang nasabing aktibidad ay hindi kinukunsinti ng Malacanang partikular ang alegasyong panunuhol.
134