DIOKNO: ‘WALANG PORK BARREL SA P3.757 TRILYONG BADYET!’

DIOKNO-1

(Ni ABBY MENDOZA)

ISINALBA ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa iskandalong pasan-pasan nito hinggil sa bilyun-bilyong pork barrel.

Sa question hour kahapon, tiniyak ni Diokno sa mga kongresista na walang “insertions” na bilyun-bilyon ang halaga sa mga distrito ng mga mambabatas para sa P3.757 trilyong mungkahing badyet ng administrasyong Duterte para sa 2019 nang tanungin siya ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza ukol sa kontrobersiya.

Ang bulto sa sinasabing isiningit na pork barrel ay nakalaan sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highway (DPWH).

Matapos pabulaanan ni Diokno ang isiniwalat ni Senador Panfilo Lacson, idiniin ni Atienza na ang sagot ng kalihim sa kanyang katanungan ay patunay na walang ginawang iligal ang mga mambabatas nang ipasa ng mga ito ang P3.757 trilyong badyet ng pamahalaan at wala ring pork barrel dito.

18

Related posts

Leave a Comment