DIVORCE DAAN SA KALAYAAN NG INAABUSONG ASAWA

TANGING Divorce ang pag-asa ng mga inaabusong asawa na makalaya, maibalik ang respeto sa sarili at maging masaya muli sa kanilang buhay.

Pahayag ito ng pangunahing may-akda sa nasabing panukala na si Albay Rep. Edcel Lagman sa gitna ng pagkulimlim ng pag-asa na magkaroon ng Absolute Divorce sa bansa dahil maraming senador ang hindi pabor dito.

“This divorce law will give the opportunity to abused spouses, particularly tormented women the opportunity to regain freedom, self respect and happiness,” paliwanag ng mambabatas.

Hindi rin aniya labag sa 1987 Constitution ang Divorce Law dahil pinapayagan nito ang Kongreso na magpasa ng nasabing batas bagama’t kinikilala rito na ang kasal ay pundasyon ng pamilyang Pilipino.

“Constution, despite its precepts and principles on marriage does not prohibit Congress to enact an absolute divorce law. No less than the members of Constitutional Commission of 1986 to 1987 were virtually unanimous in saying that Congress has that power,” ayon pa kay Lagman.

Mismong si Fr. Joaquin Bernas na siyang nanguna aniya sa nasabing komisyon ang kumilala sa kapangyarihan ng Kongreso na magpasa ng absolute divorce law.

Itinanggi rin nito na ang nasabing panukala ay taliwas sa prinsipyo ng mga Simbahan lalo na ang Simbahang Katoliko dahil sa lahat ng Catholic Countries, tanging Pilipinas at Vatican aniya ang walang Divorce Law. (BERNARD TAGUINOD)

40

Related posts

Leave a Comment