ISINASAILALIM na sa DNA Laboratory ng PNP ang mga sample ng mga watak-watak na bahagi ng katawan na nakuha sa Jolo cathedral twin blasts upang mabatid kung ilan sa mga iyon ay bahagi ng hinihinalang suicide bombers.
Tatagal umano ng dalawang linggo bago mailabas ang resulta kung ang DNA ay mula sa sinasabing foreigner na suicide bomber.
Sakali umanong walang magtugma sa 22 katawan ng mga biktima ay hihingin nila ang tulong ng ibang bansa upang mabatid kung dayuhan nga o nasyunalidad ang nagmamay-ari ng lasog na katawan.
Itinuturing nang case closed ang naganap na pagsabog matapos madakip ang sinasabing utak nito na si Kamah Pae kasama ang apat na iba pa. Itinanggi naman ng mga ito ang paratang.
149