FOREIGN TERRORIST NA MISTER NG TAUSUG ‘BATA’ NG ASG

abu9

(NI JESSE KABEL)

MAY isa pang banyagang  suicide bomber ang nagkakanlong ngayon sa kuta ng Abu Sayyaf  Group sa Sulu at nakapag asawa na umano ng isang babaeng Tausug, base sa intelligence  information na hawak ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año.

Sinasabing tinututukan ngayon ng military at ng pulisya ang galaw ng hinihinalang foreign terrorist na maaring isang suicide bomber din na nagtatago sa kampo ng Abu Sayaff .

Ayon kay Sec.  Año,  grupo ni Abu Sayyaf leader  Hajan Sawadjaan ang kasama ng nasabing Arab-looking bomber.

Si Sawadjaan ang sinasabing “Emir” o pinakamataas sa mga kinikilalang lider ng Isis group sa Pilipinas, ayon pa kay Año,  na pangunahing suspek din sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral explosion sa Jolo, Sulu .

Sinasabing bukod sa nasabing Arab ay may namonitor rin silang ilang Moroccan at Indonesian nationals ang ngayon ay nasa kuta ng Abu Sayyaf bilang mga trainer.

Samantala , kasalukuyang nagsasagawa rin ng kanilang sariling beripikasyon ang Department of Defense (DND) sa napaulat na pagkahirang kay  Hajan Sawadjaan ng Abu Sayyaf Group bilang bagong Emir ng ISIS sa Pilipinas kapalit ng napaslang na si Esnilon Hapilon.

Paliwanag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na independent umano ang kanilang sistema sa pag-validate ng AFP sa PNP at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Samantala sa panig ng AFP kahit sino pa umano ang hirangin na Emir ng Islamic State sa Pilipinas o sa Asya ay detrminado silang i-neyutralisa ang mga ito.

 

151

Related posts

Leave a Comment