DOH KINALAMPAG NI CAYETANO VS DENGUE

doh dengue55

(NI NOEL ABUEL)

KINALAMPAG ni Senador Pia Cayetano ang Department of Health (DOH) na gamitin ang lahat ng available funds para mapalakas ang information drive sa kahalagahan ng expanded program on immunization (EPI) bilang panlaban sa lumalalang epekto ng dengue.

Ayon kay Cayetano, kailangang kumilos ang DoH bago pa mahuli ang lahat at lalong lumobo ang bilang ng mga tinatamaan ng nasabing nakamamatay na karamdaman.

Naniniwala aniya ito na dahil sa pangamba ng mga magulang sa naging karanasan na idinulot ng dengvaxia kung kaya’t tumatanggi na ang mga itong mabigyan ng vaccines o bakuna.

“I had the opportunity to talk to barangay health workers all over the country. And the biggest problem they mentioned is that the mothers were scared. They refused to have their children vaccinated with measles and many other vaccines because of the dengvaxia scare,” sabi nito.

Sinabi pa ni Cayetano, pangunahing may-akda ng Mandatory Infants and Children Immunization Act (RA 10152), mahalaga na maturuan ang pamilyang Filipino sa kahalagahan ng bakuna para masagip ang kanilang mga anak.

Ayon pa sa senador, malaking pondo ang maaaring magamit mula sa Republic Act RA 10351 o Sin Tax Reform Law na naipasa noong nakaraang taon para sa health promotion.

“We have a budget through the Sin Tax Reform Law (RA 10351), which we passed years ago for health promotion. I may not have seen it, but I would like to see really exciting and engaging infomercials, cartoons, or even dramas, that would help mothers appreciate the importance of vaccination,” sabi ni Cayetano.

 

135

Related posts

Leave a Comment