(NI DAHLIA S. ANIN)
SA simula ng tag-init mauuso na naman ang iba’t ibang uri ng sakit kaya naman nagbabala ang Department of Health (DoH) upang maiwasan at magamot agad kung tamaan nito.
Isa sa mga sakit na usung-uso tuwing tag-init ay ang sore eyes. Magsisismula ito sa pangangati, pamumula at pagmumuta ng mata. Payo ng DoH, ipatingin agad sa doktor kung magkakaroon nito at huwag patakan ng kung anu-ano.
Ayon kay Health Usec Eric Domingo, ang sore eyes ay isang sakit na madaling maipasa sa iba, halimbawa kung ang taong mayroon nito ay magswimming, ang luha at muta sa mata kasama ang virus ay masasama sa tubig kaya makakahawa ito sa ibang naliligo.
Sinabi ni Domingo na mas makabubuting pumunta agad sa doktor para mabigyan ng tamang reseta, at huwag umanong gawin ang ibang nakagawian tulad ng pagpatak ng gatas ng ina, dahil ito ay parang pagkain ng bacteria na magpaparami pa sa kanila na nandyan na sa ating mata.
Pati ang pagpatak ng kalamansi dahil ang kalamansi ay acidic na na maaring makasakit sa mga tissues sa ating mata at pagpatak ng ihi dahil sa hindi tayo sigurado tulad na lang kung may urinary tract infection ang maipatak sa iyong mata ay mas lalo itong lalala.
Iilan pa lang naman umano sa ngayon ang may kaso ng sore eyes sa ayon sa DoH ay kusang gumagaling makalipas ang limang araw hanggang isang Linggo.
Ayon pa kay Domingo mas mabuting ilayo mo muna ang sarili sa ibang tao sa paligid mo kung ikaw ay may sore eyes upang maiwasan ang pagkalat nito.
166