DOJ SA KASUNDUAN NG WATER CONCESSIONAIRES HINIHINTAY NI DU30

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

(NI NOEL ABUEL)

IGINIIT ni Senador Christopher Lawrence Go na hintayin ng taumbayan ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa kontrata ng water concessionaires na Maynilad at Manila Water.

Aniya, kailangang malaman ng publiko kung nagmalabis ang naturang mga water concessionaires upang mahabol at papanagutin.

Sinabi ni Go na iniutos na ni Pangulong  Duterte sa DOJ na hanapin ang mga kuwestiyunableng probisyon  sa concession agreement ng  dalawang water company sa gobyerno na hindi pabor  sa taumbayan.

Ayon kay Go, interesado ang Pangulo na malaman kung bakit nagkaroon ng mga probisyon sa kasunduan na hindi pabor sa mga consumers.

Binigyang diin nito na dapat ay interes ng  mga Filipino ang mangibabaw sa lahat ng pagkakataon at hindi ang mga negosyante lalo na ang mga nang-aabuso sa kanilang gawain.

Dagdag ni Go na hindi makatarungan na pasanin ng taumbayan ang mga bayarin ng dalawang kumpanya tulad ng pagbabayad ng income tax  na hindi naman dapat pasanin at lalong nagpapahirap sa mga mahihirap na Filipino.

 

333

Related posts

Leave a Comment