DTI NAGLABAS NG SRP SA MGA SCHOOL SUPPLIES

dti12

(NI ROSE PULGAR)

INILABAS na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng Suggested Retail Price (SRP) para sa school supplies sa pamilihan dahil sa nalalapit na ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 3.

Ito’y dahil sa kabi-kabilang pamimili ng publiko ng mga gamit pang-eskwela simula pa noong nakaraang linggo.

Ayon sa DTI, ang SRP ay gabay para sa mga consumer na bibili ng notebooks at papel; lapis at ballpen, sharpener, pambura, ruler, at crayons.

Makikita ang listahan sa SRP sa official social media page at website ng DTI.

Payo naman ng ahensya, sa pagbili ng papel ay marapat na tingnan ang bilang ng pahina. Para naman sa mga krayola, tiyakin na aprubado ito ng Food and Drug Administration at para naman sa lapis at ballpen, alamin kung saan ito ginawa.

Hinimok din ng DTI ang publiko kung may katanungan o reklamo sa kalidad ng school supplies ay maaring magsadya sa pinakamalapit na opisina ng ahensya  o tumawag sa DTI Hotline 1-384 (1-DTI) / 751 3330 / 0917 834 3330.

 

270

Related posts

Leave a Comment