(NI CHRISTIAN DALE)
BAGO matapos ang kanyang termino sa 2022, umaasa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makita niya ang pagsisimula ng excavation para sa Japan-funded Metro Manila subway.
“Pagdating ‘nung machine ng Japan at least before I leave the presidency, kung buhay pa ako, I said sana pagbigyan ako ng Diyos makita ko naman na ano. I’m not trying to say na remember me. As a matter of fact, ‘pag wala na ako, forget me. Ako, ‘yung personal satisfaction kung may ginawa ako. Ginawa ko lahat,” ayon kay Duterte.
Aniya, itinulak niya ang pagpapagawa ng P350 billion subway na magdurugtong sa Mindanao Avenue sa Quezon City at Ninoy Aquino International Airport sa Parañaque City dahil pinigilan umano ng ilang politiko ang kanyang planong paggamit ng emergency powers upang masolusyunan ang nakamamatay na trapik sa EDSA.
Ang proyekto aniya ay naging posible lamang matapos na magdesisyon ang Japan na pondohan ang naturang proyekto.
“So anumang pagkulang ko? Wala ako. Anong pagkulang nito ni (Gary) Alejano, (Bam) Aquino, (Chel) Diokno, (Flor) Hilbay, (Romy) Macalintal, (Mar) Roxas, (Erin) Tañada, (Samira) Gutoc? Anong ginawa nila? Maski isang bridge (wala),” ayon kay Pangulong Duterte.
“Ito si p***** i**** Roxas na ‘to. Matagal na man ito. Nakagawa ba siya maski bridge? Naging secretary ng DOTC (Department of Transportation and Communication), naging DILG (Department of Interior and Local Government). Walang naiwan,” diing pahayag nito.
235