(NI BETH JULIAN)
MAS nanaisin pa umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na maakusahan sa isyu ng extra judicial killings kaysa masangkot sa kurapsyon.
Ito ang bahagi ng talumpati ni Duterte sa oathtaking ng mga bagong appointed na government officials sa Malacanang.
“Walang problema sa
akin, kasuhan o isangkot ako sa isyu ng EJK, ang ayaw ko isangkot ako sa corruption,” sabi ng Pangulo.
Ang reaksyon ng Pangulo ay bilang tugon sa panawagan ng Amnesty International sa United Nations Human Rights Council na imbestigahan ang anti-drug war campaign ni Duterte sa pangambang nauwi na ito sa Extra Judicial Killings.
Tinukoy ng grupo ang insidente ng karahasan sa Bulacan na tinaguriang ‘Bloodiest killing field.’
Giit ng Pangulo, sisikapin niyang bago matapos ang kanyang termino sa 2022 ay nawalis na niya ang kurapsyon kahit nakikita niyang marami pa rin sa mga opisyal ng gobyerno ang nasasangkot sa pangungurakot sa pera ng bayan.
“Sinisiguro ko sa inyo, aalis ako sa pwesto nang walang singko sentimo sa bulsa at walang extra expenses,” pahayag ni Duterte.
Aniya, aminado siyang dismayado siya dahil kahit pursigido siya labanan ang kurapsyon ay hindi pa rin nawawala ang mga bulok sa gobyerno.
165