DU30 NASA BANGKOK PARA SA ASEAN SUMMIT

duterte100

(NI CHRISTIAN DALE)

KASALUKUYAN nang nasa Bangkok, Thailand si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasama ang kanyang delegasyon, para dumalo sa 34th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Inaasahang tatalakayin ng Chief Executive sa mga kapwa ASEAN leader ang mga paraan upang mapalalim pa ang kooperasyon at mapanatili ang katatagan ng pag-unlad sa rehiyong Asya.

Ihahayag din ni Pangulong Duterte sa mga nakatakdang pulong ang mga isyung nakaaapekto sa seguridad at katatagan at pag-unlad ng Southeast Asia at ng buong Asia Pacific Region, kabilang na ang mga bagong development sa South China Sea, ang nagaganap na trade war sa pagitan ng China at Amerika, terorismo, violent extremism, climate change, transnational crimes pati na ang trafficking ng illegal drugs.

Sa kabilang dako, inaasahan namang magkakaroon ng bilateral meetings si Pangulong Duterte sa ilang ASEAN leader sa sidelines ng summit, kabilang na dito si Thai Prime Minister Prayut Chan-o-cha na inaasahang lalong magpapatatag sa relasyon ng dalawang bansa.

Sinasabing, ngayong taon ang ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa.

Samantala, kabilang din sa magiging schedule ng Punong Ehekutibo ang pakikipagkita sa top business leaders ng Thailand kung saan hihikayatin niya ang mga ito na maglagak ng puhunan at negosyo sa Pilipinas.

134

Related posts

Leave a Comment