DUTERTE MAY PABAON SA MGA SISIBAKING OPISYAL

duterte fly12

(NI BETH JULIAN)

TIYAK na nakararamdam na ng nerbiyos ang ilang opisyal ng pamahalaan matapos i-anunsyo na bago tumulak patungong China ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mag-iiwan ito ng mga letters of dismissal.

Si Duterte ay bumiyahe na Miyerkoles ng hapon patungong Beijing, China para sa Belt and Road Forum at bago ito umalis ay nag iwan ito ng mga nilagdaang dismissal order.

Gayunman, tumanggi pa ang Pangulo na tukuyin kung sinu-sino ang mga opisyal ng pamahalaan na apektado ng sibakan sa pwesto.

Ayon sa Pangulo, bagama’t hindi ito lubos na nagagalak sa kanyang trabaho bilang Pangulo dahil sa patuloy na korapsyon ay wala itong magagawa kundi ang gampanan nang maayos ang kanyang tungkulin.

“Wala akong magagawa, sibakin na lang ang mga opisyal na kurakot lang ang alam gawin hanggang matapos ang aking termino sa 2022,” wika ng Pangulo.

Kaugnay nito, binantaan din ng Pangulo ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na kanyang sisibakin kapag natukoy na may kapabayaan o kapalpakan ang mga ito na paghandaan ang inaasahang El Nino na nagdulot ng matinding perhuwisyo sa mga residente sa Metro Manila at Rizal.

 

78

Related posts

Leave a Comment