DUTERTE PUPUNTA SA JOLO MATAPOS ANG PAGSABOG

du30200

BIBISITAHIN bukas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Jolo matapos ang twin blasts sa loob ng simbahan Linggo ng umaga kung saan umabot na sa 27 katao ang nasawi at 76 iba pang ang sugatan.

Kinumpirma naman ni trusted aide Christopher ‘Bong’ Go ang pagpunta ng Pangulo sa pinangyarihan ng krimen. Kinondena din ng Palasyo ang pagsabog at nangakong dudurugin ang ‘godless criminals’ na nasa likod nito.

Malaking hamon naman sa Armed Forces ang naganap na pagsabog higit nasa ilalim ng martial law ang buong Mindanao. Ang pagsabog ay naganap isang araw matapos ratipikahan ang Bangsamoro Organic Law (BOL) na mahigpit na tinututulan sa lugar.

5

Related posts

Leave a Comment