DUTERTE, SISIKAPING TULDUKAN ANG “ENDO”

duterte-30

Pagsisikapan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na matuldukan ang problema sa “Endo” (End of Contract) ng mga ordinaryong manggagawa bago matapos ang kanyang termino sa taong 2022.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inoobliga na ng pamahalaan ang mga kompanya na gawin nang regular ang kanilang mga empleyado.

Gayunman, sinabi ng naturang kalihim na hindi pa rin maiiwasan ang seasonal contract ng mga manggagawa, tulad na lamang tuwing magpapasko at pagbubukas ng klase.

Sa ngayon, ipinagmamalaki ni Bello na kalahating milyong manggagawa na ang naregular mula nang lagdaan ni Pangulo ang executive order noong nakaraang taon na nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa.

Sa panig ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinabi nito na tinutugunan na ni Pangulong Duterte ang problema ng mga manggagawa.

Aniya, ipinauubaya na rin ng palasyo sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang pagpapasya sa hirit ng labor group na P710 na dagdag-sahod sa mga manggagawa.

84

Related posts

Leave a Comment