ENVOY NA PINAUWI SA PINAS, BALIK-CANADA NA

canada basura 12

(NI ROSE PULGAR)

MATAPOS maibalik  sa Canada ang kanilang  tone-toneladang basura, pinabalik na rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ambassador ng Pilipinas at mga opisyal ng konsulada, na  nakabase sa  nabanggit na bansa.

Ito ay ayon sa tweet ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na winidraw nito ang order para sa recall ng ambassador at consuls  ng Pilipinas sa Canada.

flights back. Thanks and sorry for the trouble you went through to drive home a point,” pahayag ito ni Locsin sa kanyang official Twitter account.

Nabatid na Biyernes ng umaga, mula sa Subic  Bay Freeport, lumarga na ang container ship, ang  MV Bavaria na naglalaman ng tone-toneladang basura ng Canada at balik na ito sa nabanggit na bansa.

Magugunitang mula taon 2013 hanggang 2014, isang Canadian company, Chronic Inc., ang nagpadala sa Pilipinas ng   mga container van na naglalaman ng non-recyclable plastics, household wastes at  used adult diapers.

Kung saan noong buwan ng Abril ay nagbigay ultimatum si Pangulong Rodrigo Duterter na kaagad na ibalik ang mga basura ng Canada sa kanilang bansa.

Nitong Mayo 16 ay pinauwi o ni-recall ang ambassador at mga opisyal na konsulada ng Pilipinas sa Canada dahil nabigong maibalik kaagad ang nasabing mga basura.

155

Related posts

Leave a Comment