GOODBYE SMARTMATIC IPINAGBUNYI SA KAMARA

smart21

(NI BERNARD TAGUINOD)

PINALAKPAKAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Election (Comelec) na ibasura ang Smartmatic na nag-supply ng mga counting machines sa nakaraang apat na eleksyon sa bansa.

Ayon kay House deputy minority leader Lito Atienza, suportado ng mga ito ang kautusan ni Duterte matapos muling magkaaaberya ang mga vote-counting machines (VCMs) na binili ng Comelec sa Smartmatic noong nakarang eleksyon.

“We are in full support of President Duterte’s order for Comelec to ‘dispose’ of Smartmatic and ‘look for a new one that is free of fraud,” pahayag ni Atienza na kabilang sa nadismaya sa mga aberya noong nakaraang halalan.

Bukod sa mga pumalyang vote counting machines ay nagkaroon din ng pitong oras na delay sa pag-transmit ng mga boto kaya marami ang nagdududa sa resulta ng halalan.

Hindi aniya dapat maulit ito sa mga sunod na halalan lalo na sa 2022 presidential election kaya napapanahon umano ang kautusan ni Duterte na huwag nang kunin o gamitin muli ang mga gamit ng Smartmatic.

Seryoso din umano ang mambabatas na amyendahan ang Omnibus Election Law upang hindi na iaasa lahat sa makina ang halalan lalo na ang pagbibilang ng boto ng mga tao.

“In the past three elections using the Automated Election System (AES), no one saw how the votes were canvassed. This lack of transparency–where voters are effectively asked to put implicit trust in the machine that can be tampered with–erodes confidence in a fully automated system,” ani Atienza.

Kapag nagtagumpay ang Kongreso na magawa ito, mano-manong bibilangan na ang boto sa mga presinto at ipapadala ang resulta nito sa pamamagitan ng makina hindi tulad ngayon na ang VCMs lang nagbibilang.

“It is not enough that Comelec stops using Smatmatic. We should go back to manual voting and counting on the precinct level so everyone can witness the actual counting of the votes, then transmit these electronically,” dagdag pa ni Atienza.

 

82

Related posts

Leave a Comment