(NI JESSE KABEL)
HINDI lamang United States of America ang nagpahayag na posibleng banta sa national security ang pagpasok o paggamit ng Chinese telecommunication Equipment particular sa 5G System.
Nabatid na ilang European countries na ang nagpahayag ng kanilang pagdududa kaya ipinag-utos na limitahan o huwag ng gamitin pa ang mga made in China telecom equipment.
Kamakailan sinasabing inimpormahan ng Department of Foreign Affair ang Department of Information and Communication (DICT) National Security Council (NSC) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na ang Czech republic at France ay nag utos na limitahan ang paggamit ng Huawei products dahil sa security concerns.
Nabatid na ipinagbawal na ng Czech government ang paggamit ng ng Huawei at ZTE Devises dahil sa posibleng cyber security threats. Bunsod umano ito ng security alert na inilbas ng Czech National Cyber and Security Information Agency (NCISA) na ang mga Huawei devices ay maaring gamitin para sirain ang kanilang mga national interest.
Sinasabing ipinatawag ni Czech Prime Minister Andrej babis ang lahat ng bumubo ng stataes institutions , ministries at maging ang mga pangunahing pribado at pampublikong organisasyon na apektado sa pagpapatakbo ng kanilang estado na tiyaking hindi sila lantad sa mga pag atake gamit ang mga softwares or hardwares na gawa ng Chinese firms.
Napag-alaman pa na ang Philippine Embassy sa France ay nagpahatid ng impormasyon na nagpatupad ang nasabing bansa ng operators restriction sa sa Huwaei sa likod ng pangambang maaring mag espiya ang China sa mga bansang mayroon silang network sa pamamagitan ng potential backdoors ng Huwaei’s codes.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana , sa kasalukuyan ay wala pa naman siyang nakikitang banta sa cyber security sakaling pumasok ang bagong telecommunication company o paggamit ng Huwaei.
Nabataid na maging ang Smart ng PLDT at Globe ay gumagamit ng Huawaei s akanilang backbones.
Kaugnay nito ay nagpasalamat naman si Sec Lorenzana sa concern ng US matapos na iparating ni State Secretary Mike Pompeo na nakatutok ang mundo sa umanoy peligrong dulot ng Huawei bagamat nilinaw nito Sovereign decisison pa rin ng isang bansa ang pagpili Chinese telecommunication technology .
Ayon kay Pompeo “Competition in 5G and other technologies should be “open, free, transparent and we worry that Huawei is not that.”
Una ng itinggi ng Shenzhen-based Huawei, na naniniktik sila para sa bansang China.
Wala umanong katibayan ang US hinggil sa spying aleegation.
“And so our task has been to share with the world the risks associated with that technology, the risks to the Philippine people, the risk to Philippine security, the risk that America may not be able to operate in certain environments if there’s Huawei technology adjacent to that. Our task has been to share that information,” ani Pompeo .
Maging si National Security Adviser Sec Hermognes Esperon Jr ay walang nakikitang peligro sakaling pumasok sa eksena ang Mislatel ang nahirang na third telco players at sa paggamit ng Huawei technology.
138