EXCISE TAX SA YOSI URGENT BILL NI DU30

(NI BETH JULIAN)

PINAL nang naratipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang urgent Senate bill na nagpapataw ng mataas na excise tax sa mga produkto ng tabako.

Bagama’t wala pang inilabas na dokumento, kinumpirma naman ito ni Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Ryan Esteves kung saan sinertipikahan na ng Pangulo ang Senate Bill No. 2233, o “An Act Raising the Excise Tax on Tobacco Products and Amending For the Purpose Pertinent Sections of the National Revenue Code.”

Kinumpirma rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nilagdaan na ng Pangulo ang certification of urgency bago magtungo sa Japan ang Pangulo.

Noong December 2018 nang ipasa na ng Kamara ang bersyon ng nasabing bill na sinertipikahan naman ng Pangulo sa ikalawa, ikatlo at pinal na pagbasa sa kaparehong araw.

Base sa SB 2233, nakapaloob dito na simula Enero 1, 2020 ay P45 kada pakete, Enero 1, 2021 ay P50 na kada pakete, Enero 1, 2022 ay P55 na kada pakete at sa Enero 1, 2023 ay P60 na kada pakete ng siragilyo.

Ang karagdagang buwis ay laan para ipondo sa Universal Health Care Program base sa ilalim ng nasabing batas na nilagdaan ng Pangulo noong Pebrero.

137

Related posts

Leave a Comment