(NI MAC CABREROS)
PARA maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila, ikinasa ng Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang Cavite – Metro Manila ferry.
Inianunsyo ng MARINA na ang ruta ng Phase 1 ng Metro Star Ferry na may terminal sa Cavite City Hall ang Sangley Port patungong SM MOA at CCP port habang ang Phase 2 ay Sangley Port patungong
Escolta at Lawton sa Manila.
Ipinabatid ng DOTr, na kabilang sa shipping companies na gustong bumihaye ang Shogun Ships Co., Incorporated, Starlite Ferries, Incorporated, Seaborne Shipping Lines Incorporated at Pinoy Catamaran
Corporation.
Katuwang sa proyekto ang PPA, PCG, Philippine Navy, Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Laguna Lake Development Authority (LLDA) at local na pamahalaang ng Cavite at Manila.
Sa unang bahagi ng sunod na buwan ang unang biyahe ng ferry, ayon pa sa DOTr.
153