FREEDOM OF INFORMATION BILL MULING TATALAKAYIN SA SENADO

NANGAKO si Sen. Robin Padilla na muli nang sisimulan ang pagtalakay sa Freedom of Information (FOI) bill sa Senado upang labanan ang fake news at maling impormasyon.

Iginiit ni Padilla na may nakatakda nang pagdinig ukol sa fake news ang Senate Committee on Public Information and Mass Media na kanyang pinamumunuan.

Gayunman, nanindigan ang senador na mas mainam kung i-certify itong priority bill ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Upang tiyak na makausad.

Sa record ng Senado, apat na panukalang batas na may kinalaman sa FOI ang inihain nina Senators Grace Poe, Joel Villanueva, Sonny Angara at Bong Revilla.

Sa oras na maging batas ang FOI bill, umaasa si Padilla na susundan na ito ng lahat na ahensya ng pamahalaan at magiging malaking tulong ito na labanan ang fake news.(Dang Samson-Garcia)

123

Related posts

Leave a Comment