FUND SOLICITATION SA KAMPANYA ITIGIL– PALASYO

DUTERTE-2

MAHIGPIT na nagbabala ang Malacañang sa mga taong nagsasagawa ng campaign solicitation kung saan ginagamit umano ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi Presidential spokesperson Salvador Panelo na may nakarating na impormasyon sa Malacañang na mayroong mga indibidwal ang humihingi ng pera bilang campaign funds sa mga kandidatong personal na iniendorso ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Panelo, hindi totoong may basbas mula kay Pangulong Duterte ang ganitong uri ng kalakaran dahil taliwas ito sa prinsipyo ng kasalukuyang administrasyon.

Kaugnay nito ay pinayuhan ni Panelo ang publiko na agad na isumbong sa National Bureau of Investigation o kaya sa pinakamalapit na law enforcement agencies kung may nalalaman sa ganitong klaseng modus.

64

Related posts

Leave a Comment