‘GANTI’ SA PINOY WORKERS SA CHINA ITINANGGI NI ZHAO

zhao1

(NI BETH JULIAN)

TIKLOP  si Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo sa nauna nitong pahayag na gaganti umano ang China sa mga Filipinong manggagawa sa kanilang bansa kapag pinadeport ng gobyerno ng Pilipinas ang mga Chinese workers na nasa bansa.

Ito ay matapos itanggi ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na nagbigay ito ng naturang banta.

Paliwanag ni Panelo, hindi naman ito talagang sinabi ng Ambassador ng China kungdi bahagi lamang ng academic discussion.

Katwiran ni Panelo na sinasabi lamang nya ang natural na reaksyon ng isang gobyerno kapag nadedehado ang kanilang mamamayan.

Matapos ang espekulasyon ni Panelo sa maaaring tugon ng China kapag pinadeport ang mga Chinese national na ilegal na nagtatrabaho sa bansa ay agad sinab ni Zhao na nirerespeto nila ang mga regulasyong ipinaiiral sa Pilipinas.

Binigyan diin ni Zhao na sadyang dapat na maipatapon pabalik sa kanilang bansa ang kanilang mamamayan kapag may nilabag na immigration law sa Pilpinas.

71

Related posts

Leave a Comment